Dumating ang tamang panahon, sa tamang oras, ipinanganak ka. Ito ang dahilan kung bakit ka nandito ka sa mundo at namumuhay bilang isang tao. Lahat ng hirap at saya ay nararanasan mo dahil ipinanganak ka. Nang ikaw ay ipinanganak, nagsimula ang lahat.
Umuusad ang panahon, tumatanda, madaming ng napagdaanan at pagdadaanan. Minsan dadaan sa pagsubok. Makakasalamuha ng iba't ibang tao. Isang panahon na dapat mong hintayin at pasalamatan ay ang panahong malalaman mo kung bakit ka ipinanganak. Kapag dumating ang araw na malaman mo ang dahilan mo dito sa mundo, ito ang panahong pinakaimportante at pinakamasaya. Dahil dito kaya ka nagpapatuloy sa buhay. Hindi man ito dumating ngayon, siguradong dadarating din ito. Nabubuhay ka sa rasong ito. Ipinanganak ka ng may dahilan. Sa dahilang ito ka kumukuha ng pag-asa at lakas sa pangaraw-araw.
Dalawang importanteng panahon sa buhay ng tao. Mabuhay tayo sa kasaganahang naghihintay sa ating bukas. Magpasalat sa lahat lalong lalo na sa pagdating mo sa mundo at maging maligaya sa pagtuklas ng rason kung bakit sa nanadito. Ang buhay ay isang paglalakbay at hindi isang destinasyon. Maligayang paglalakbay!