Hindi ito dapat pigilan o katakutan man lang. Lahat ng katapusan ay nagpapakita ng bagong pag-asa para sa bagong simula. Ang bawat katapusan ay bagong simula. Kung walang katapusan, hindi uusad ang buhay. Malungkot man ang kahantungan nito, siguradong may simula ka namang sisimulan upang ayusin ang lahat gamit ang mga napag-aralan, natutunan at napag-daanan mo. Bagong pag-asa, bagong ikaw. Sa katapusan magsisimula ang lahat at dito rin naman tutungo ang lahat.
Sa bawat minuto o segundong inilalagi mo, dapat ng isipin ang katapusan ng kung anuman. Maghanda at makikita mo kung papaano mo dapat pahalagahan ang bawat oras na ginugugol ninuman. Hindi ito kailanman dapat katakutan sapagkat lahat naman tayo ay ipinanganak na may kasiguraduhang may katapusan. Hindi lang tayo kundi pati mga bagay na ginawa, pangyayaring idadaos, lugar na pinapasyalan o kahit na damdaming nadadama.
__________________________________
Lahat nakatakdang matapos.
Hindi mo ito pwedeng pigilan. Sa katapusan mo lang mararanasan ang bagong simula at pag-asang isaayos ang lahat gamit ang mga aral na natutunan mo at mga pangyayaring pinagdaanan mo. Sa katapusan matututo kang bumangon at magkaroon ng bagong ikaw, mas matatag at mas maprinsipyo.
Isang katapusan, isang bagong simula.
__________________________________