Tuesday, August 28, 2012

Sakit ng Damdamin?

Hindi naman dapat katakutan ang masaktan. Ito'y sapagkat bilang tao, nakatakda na tayo na makaranas ng sakit. Hindi din naman natin maiiwasan ang magtanong kung bakit tayo nakakaranas ng ganito o kung bakit tayo pa. Normal nga lang ito. Kumbaga, isa itong pangyayari sa bawat indibidwal na hindi kailanman maiiwasan o matatakbuhan. Walang taong hindi masasaktan. Mahirap isipin pero ito'y isang katotohanang kailangan tanggapin.

Wala nga naman tayong karapatang magreklamo sa kung ano man ang dinadanas natin. Minsan kasi, tayo din naman ang may dahilan kung bakit may mga nangyayaring ganito. Masakit kasi umasa ka, masakit dahil hindi mo nagawa. Minsan, dahil nagsisisi ka. Pero hindi kailanman magpapagaan ng loob ang pagdama at pag-isip sa kung anong sakit ang naidulot nito. Minsan, kailangan nating mag-isip at mag-rason sa labas ng kahon. Hindi lang naman kasi umiikot ang mundo sa kung ano ang nasa loob, hindi ba?

Maaaring negatibo nga ang unang maiisip sa salitang 'sakit'. Pero kung susuriin, lahat naman ng bagay ay may ikakabuti. Nasa sa atin nga lang kung papaano natin tingnan ito.

Sakit. Kapag nasaktan ito, isa itong indikasyon na tayo ay ganap na tao. Masasabi nating ibang iba na tayo sa iba pang nilalang dahil nakakaranas tayo ng sakit kung saan kaya pa nating ipagpatuloy ang buhay. Kung walang sakit, maaaring wala ng tao sa mundo. Sa pamamagitan din ng sakit, natututo tayong hindi na gawin ang mga hindi dapat. Nagsisilbi natin itong gabay sa kung ano nga ba ang dapat gawin. Sa sakit, kaya nating marating kung saan tayo dapat makarating. Sa sakit, kaya nating mahanap ang kaligayahang para sa atin.



__________________________________

HIndi hadlang ang sakit para hindi magpatuloy.

Ang sakit ay nararanasan upang maging isang mas matatag at mas ganap na tao ang isang indibidwal. Kaya masuwerte ang mga nasasaktan at hindi sumusuko.


__________________________________

Saturday, August 11, 2012

Day of Whisper

*Isang tula sa wikang Ingles

I’m sitting here all alone
Waiting for the sunset to come along
People around is enjoying on their own
While here I am, longing for the destiny’s song

I’ve been in the journey from the start
All things really fall into place
But now is an unidentified art
What it feels contradicts what it says

The sun has finally set
The day for myself is done
But still the confusion is kept
Searching for answers to have it gone…

Friday, January 6, 2012

Dalawang Panahon Para Sa'yo

Madami mang pangyayaring magdaan, malungkot, masaya o hindi mo man ito malilimutan, may dalawang pangyayari sa buhay mo na kailangan mo talagang pasalamatan ang Maylikha ng lahat sa pagdating ng araw o panahon ng mga ito. Dahil sa buhay mong ito, ang dalawang pangyayari lang na ito ang magbibigay kahulugan sa lahat ng bagay at ng buhay mo.

Dumating ang tamang panahon, sa tamang oras, ipinanganak ka. Ito ang dahilan kung bakit ka nandito ka sa mundo at namumuhay bilang isang tao. Lahat ng hirap at saya ay nararanasan mo dahil ipinanganak ka. Nang ikaw ay ipinanganak, nagsimula ang lahat.

Umuusad ang panahon, tumatanda, madaming ng napagdaanan at pagdadaanan. Minsan dadaan sa pagsubok. Makakasalamuha ng iba't ibang tao. Isang panahon na dapat mong hintayin at pasalamatan ay ang panahong malalaman mo kung bakit ka ipinanganak. Kapag dumating ang araw na malaman mo ang dahilan mo dito sa mundo, ito ang panahong pinakaimportante at pinakamasaya. Dahil dito kaya ka nagpapatuloy sa buhay. Hindi man ito dumating ngayon, siguradong dadarating din ito. Nabubuhay ka sa rasong ito. Ipinanganak ka ng may dahilan. Sa dahilang ito ka kumukuha ng pag-asa at lakas sa pangaraw-araw.

Dalawang importanteng panahon sa buhay ng tao. Mabuhay tayo sa kasaganahang naghihintay sa ating bukas. Magpasalat sa lahat lalong lalo na sa pagdating mo sa mundo at maging maligaya sa pagtuklas ng rason kung bakit sa nanadito. Ang buhay ay isang paglalakbay at hindi isang destinasyon. Maligayang paglalakbay!