Tuesday, August 28, 2012

Sakit ng Damdamin?

Hindi naman dapat katakutan ang masaktan. Ito'y sapagkat bilang tao, nakatakda na tayo na makaranas ng sakit. Hindi din naman natin maiiwasan ang magtanong kung bakit tayo nakakaranas ng ganito o kung bakit tayo pa. Normal nga lang ito. Kumbaga, isa itong pangyayari sa bawat indibidwal na hindi kailanman maiiwasan o matatakbuhan. Walang taong hindi masasaktan. Mahirap isipin pero ito'y isang katotohanang kailangan tanggapin.

Wala nga naman tayong karapatang magreklamo sa kung ano man ang dinadanas natin. Minsan kasi, tayo din naman ang may dahilan kung bakit may mga nangyayaring ganito. Masakit kasi umasa ka, masakit dahil hindi mo nagawa. Minsan, dahil nagsisisi ka. Pero hindi kailanman magpapagaan ng loob ang pagdama at pag-isip sa kung anong sakit ang naidulot nito. Minsan, kailangan nating mag-isip at mag-rason sa labas ng kahon. Hindi lang naman kasi umiikot ang mundo sa kung ano ang nasa loob, hindi ba?

Maaaring negatibo nga ang unang maiisip sa salitang 'sakit'. Pero kung susuriin, lahat naman ng bagay ay may ikakabuti. Nasa sa atin nga lang kung papaano natin tingnan ito.

Sakit. Kapag nasaktan ito, isa itong indikasyon na tayo ay ganap na tao. Masasabi nating ibang iba na tayo sa iba pang nilalang dahil nakakaranas tayo ng sakit kung saan kaya pa nating ipagpatuloy ang buhay. Kung walang sakit, maaaring wala ng tao sa mundo. Sa pamamagitan din ng sakit, natututo tayong hindi na gawin ang mga hindi dapat. Nagsisilbi natin itong gabay sa kung ano nga ba ang dapat gawin. Sa sakit, kaya nating marating kung saan tayo dapat makarating. Sa sakit, kaya nating mahanap ang kaligayahang para sa atin.



__________________________________

HIndi hadlang ang sakit para hindi magpatuloy.

Ang sakit ay nararanasan upang maging isang mas matatag at mas ganap na tao ang isang indibidwal. Kaya masuwerte ang mga nasasaktan at hindi sumusuko.


__________________________________