Friday, September 30, 2011

Ikaw ay Ikaw

Lumilipas ang mga araw na minsan hindi mo alam ang gagawin mo. Natataranta, nababanas, naiirita o minsan naman ay wala lang talagang magawa. Sa mga panahong ito, ma-iging kilalanin mo ang iyong sarili. Alam naman nating lahat na minsan sa kidami-dami ng nalalaman natin sa mundo, ang tungkol pa sa ating sarili ang mahirap malaman at maunawaan. Sabi nga nila, ikaw ay ikaw. Kumilos ka bilang ikaw hindi para sa iba kundi para sa iyo mismo. Mahirap tumanda ng hindi mo alam kung sino ka. Paano ka magiging ikaw kung hindi mo talaga alam kung sino ka?

Habang umaandar ang oras, tumatanda ka. Nagiging limitado ang oras para malaman mo kung paano ba talaga mabuhay sa mundo at upang mabuhay ng may halaga, magpakatotoo ka. Hanapin mo ang sarili mo at huwag kang magpa-apekto sa sasabihin ng iba. Nosi balasi. Huwag kang gagaya o maiingit sa iba dahil hindi ikaw iyon. Tanggapin mo kung sino ka at ipakita mo sa iba ang tunay na ikaw. Ikaw na mataba o payat, masipag o tamad. Hindi pare-pareho lahat ng tao, wala kang katulad, wala akong katulad, dahil nagkaka-iba tayo sa iba ibang espesyal na paraan. Hinubog tayo na may kanya-kanyang katangian at katauhan.




Ikaw lang ang gagawa ng buhay mo kaya magpakatotoo ka. Mabuhay ka bilang ikaw hindi dahil sinabi nila kundi dahil ginusto mo ito at dahil ito ang dapat...