Sa mundong ginagalawan mo, lahat nagbabago. Hindi man ngayon pero balang araw. Pero pakatandaan mo na hindi ang mundo ang nagbabago. Ito ay ang bawat taong nasa mundo. Minu-minuto may nagbabago. Kung hindi ka kuntento sa kung anong ginagalawan mo ngayon, huwag mong sisihin ang mundo. Tanungin mo ang sarili mo. Bakit ba naging ganun ang takbo? Kung gusto mong magbago ito at sumunod sa kung anumang gusto mo, ikaw mismo ang magbago.
Sabi nga nila ang pagbabago lang ang hindi nagbabago. Walang sinuman ang pupuwedeng makaiwas dito. Ang tanging magagawa mo na lang ay tanggapin ang bawat pagbabago o magbago para maka-angkop.
Sa bawat pagbabagong mararanasan at makikita mo, hilingin mo na lang na ito'y para sa makakabuti. Hindi man lahat ng pagbabago ay angkop sa kagustuhan mo, matutong tanggapin pa rin ito at tingnan ang ikabubuti nito sa nakararami. May pagkakataon mang hindi maganda nag kahinatnan nito, pagbabago pa rin ang sagot upang maitama ang mga pagkakamaling ito. Ang bawat pagbabago ay nasasa-iyo dahil ang bawat pagbabago ay nag-uugat sa sarili mo.
__________________________________
Pagbabago ang nagpapa-ikot sa mundong ginagalawan ng bawat isa. Ang pagbabago ang tanging hindi nagbabago sa mundong ito at naka-ugat ito sa bawat pagkatao ng isang indibidwal.
__________________________________